Uso na ang makialam! Makialam sa mga kaganapan sa ating lipunan. Pagkat ikaw, ako, sila, tayo– tayong lahat na Pilipino ay marapat na umaksyon para sa ikakabuti ng kinabukasan ng ating bayan.
Sa Mayo anuebe, siguraduhin na huwag sayangin ang iyong boto sa maling tao. Doon lang tayo sa tapat, may kakayahan, at busilak ang intensyon sa bayan. Sa paghulog ng balota, isaalang-alang ang kinabukasan. Para sa lahat ng henerasyon! Halina’t umaksyon!
Henerasyon ng ngayon, tayo nang umaksyon.